Isa sa mga dahilan kung bakit ako tinatamad magsulat ng blog na to ngayon ay dahil mahirap magisip ng mga salitang ingles. Kaya ngayon lahat ng isusulat ko ay tagalog.
Mahilig ako maglaro ng Magic: The Gathering. Isa sa pinaka revolutionary na article tungkol dito ay ang "Who's the Beatdown". Dito sinasabi na ang misassignment of role = game loss.
Habang tumatagal ako sa industriyang eto (sarap tawagin industriya, para akong artistahin) nakikita ko na karamihan ng mga sumasablay na project ay dahil sa mali ang assignment ng role ng mga tao. As a general rule eto ang mga job description:
1. PM or SCRUM Master - Impluwesyahan ang team, ipakita kung papaano tamang magtrabaho. So kung ano nakikita mo na ginagawa ng pm mo, malamang yun ang tamang asal. Kung late sya pumasok malamang tama un. Kung wala sya masyado ginagawa kundi magplano kung papaano magbakasyon malamang tam yun. Kung maingay sya dahil nakikipagtsismisan sya habang nagtratrabaho ang ibang tao malamang tama yun. Isipin mo na lang hindi lahat ng tao perpekto.
2. Team Leader - Kanang kamay ng PM. Kung ang PM laging tama ang ginagawa, sya naman ang laging may maling ginagawa pag sumasablay na ang project. Pag may hindi natapos kasalan nya dahil di nya kaya tapusin. Pag may sablay na team member eto ay dahil di nya kaya mamotivate ito. Pag di umabot ang deadline dahil hindi sya nagOT para tapusin o kaya nagOT pero mali ang estimate na binigay.
3. Team Member - Sumunod sa ibinibigay na mga tasks. Pero hindi mo to kailangan gawin lagi. Kung mahirap masyado, patagalin mo lang syo ng ilang araw at aakuin yan ng team leader. Minsan pwede ka din hindi pumasok dahil hindi naman ikaw maghahabol ng ginagawa mo. Pwede ka magpakita na hindi ka masaya sa trabaho. Ok lang un dahil Team Leader ang papagalitan dahil hindi ka nila namomotivate magtrabaho.
So ayan, ang mga role na dapat sundan ng mga tao sa loob ng isang project. Sana madami kayo natutuhan.
